制作
出演艺人
The Juans
表演者
KDR Music House
表演者
Carl Guevarra
领唱
Japs Mendoza
电吉他
Chael Adriano
低音吉他
RJ Cruz
原声吉他
作曲和作词
Kuya Daniel Razon
词曲作者
制作和工程
KDR Music House
制作人
歌词
Kung sa puso mo ay 'di maiwasan
Ang pagdalaw nitong mga kalungkutan
Iyong alalahaning may Amang nagmamahal
Laging nakamasid, laging nakabantay
Huwag kang mabalisa sa anumang bagay
Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan
Sambahin, purihin, pasalamatan
'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan
Huwag padadaig kahit nalulumbay
Ang pag-asang taglay ay iyong ingatan
Ang dalisay na aral iyong panghawakan
Ikaw ay may Diyos na madadaingan
Huwag kang mabalisa sa anumang bagay
Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan
Sambahin, purihin, pasalamatan
'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan
Iyong ilagak ang pagtitiwala
Sa Kaniya kumapit, Siya ang gagawa
Kung ika'y nangangamba at puso'y nanghihina
Kaniyang nalalaman ang iyong pagluha
Huwag kang mabalisa sa anumang bagay
Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan
Huwag mabalisa sa anumang bagay (sa Ama)
Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan
Sambahin, purihin, pasalamatan
'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan
Ang Diyos ay pag-ibig, lubhang mapagmahal
Ang 'di mo masabi, Siya ang may alam
Written by: Kuya Daniel Razon

