歌词
[Verse 1]
Sorry na, kung nagalit ka
'Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako
Init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo
[Verse 2]
Sorry na, nakikinig ka ba?
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito
Na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na
Hindi humihinto
[Chorus]
Sorry na talaga
Kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip
Nauuna ang galit
Sorry na talaga
Sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
Huwag sanang magtampo
Sorry na
[Verse 3]
Sorry na, huwag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Ang ibigin ang isang
Katulad kong parang timang
Na paulit, ulit kang
Hindi sadyang nasasaktan
[Verse 4]
Sorry na, saan ka pupunta?
Please naman
Huwag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo
Mamamatay ako
'Pagkat hawak mo sa iyong
Kamay ang puso ko
[Chorus]
Sorry na talaga
Kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip
Nauuna ang galit
Sorry na talaga
Sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
Huwag sanang magtampo
Sorry na
[Refrain]
Sorry na
[Outro]
Mahal kita, sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga
'Di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Huwag kang mawawala
Sorry na
Written by: Chito Miranda


