歌词
Sa iyong mga mata
Kat Agarrado
I
Ikaw ang balanse sa gitna ng kaguluhan.
Ang puso ko, sayo nakahanap ng katahimikan.
Ikaw ang nais kong makasama habang buhay.
Dahil sa ngiting iyan, mundo ko’y nagkaka-kulay.
II
Okay ka pa, hindi ka pa pabling.
Sana lang talaga ay hindi ka sinungaling.
Naniniwala ako, na ikaw ang kasagutan
Sa aking panalangin.
Chorus
Sa iyong mga mata,
nakita ko ang ligaya.
Saan man mapunta,
ang gusto ay kasama ka.
Lahat ng kanta,
ay aking damang-dama.
Lalo na pag iyong kinakanta,
Habang nakatitig sa aking mga mata.
III
And haba na rin ng ating pinagsamahan.
Ang dami nang dinaanan na mga kaguluhan.
Di lang nila alam, tayo’y nagmamahalan.
Sa kanila wala tayong dapat patunayan.
IV
Anuman ang sabihin ng ibang tao,
Ang mahalaga ay nagkakaintindihan tayo.
Marami mang kontra-bida at mga hadlang,
Pag-ibig ko sayo’y patutunayan…
Chorus (2X)
Sa iyong mga mata,
Nakita ko ang ligaya.
Saan man mapunta,
ang gusto ay kasama ka.
Lahat ng kanta,
ay aking damang dama.
Lalo na pag iyong kinakanta,
Habang nakatitig sa aking mga mata.
Written by: Kat Agarrado


