音乐视频

音乐视频

制作

出演艺人
End Street
End Street
表演者
作曲和作词
Symoun Durias
Symoun Durias
词曲作者

歌词

Di ko na masilayan ang kulay ng ulap
o ang lamig ng buwan, pagsibol sa kalangitan.
Nanlalamig ang pusong puro lang sakit
kaya pwede na bang mamahinga ng saglit?
At kung di na mabibigyan ng buhay ang himig,
kakayanin mo bang ikaw na lang ang huhuni?
Patuloy sa pag ikot ang kamay ng orasan,
tuluyan na bang napag iwanan?
Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako.
At kapag nasinagan na ng huling liwanag,
pwede mo bang ipangako sa akin na
Kung pag ibig para sakin ang natitira,
ipamahagi mo na lang ito sa iba
Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako.
At kung akoy tatanggihan ng langit
pwede ba sayo akoy kumapit?
At pag nagkita na tayong muli,
aawitan kita tulad ng dati
Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
Gaano kasakit? Gaano kasakit? Gaano kasakit?
Written by: Symoun Durias
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...