制作

出演艺人
Paolo Santos
Paolo Santos
表演者
作曲和作词
Romeo Dongeto
Romeo Dongeto
词曲作者
制作和工程
Ivory Music & Video, Inc.
Ivory Music & Video, Inc.
制作人

歌词

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa'y unang magkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Ang inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela?
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Ngayon, ikaw ay nagbalik
Katulad ko rin ang 'yong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng aking tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ay ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ay ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon? Ooh, ooh
Written by: Romeo Dongeto
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...