歌词

Paano ba tayo umabot dito? Nagsawa na lang ang 'yong puso Biglang tinigil ang lahat ng mayro'n tayo Bakit nga ba nagkaganito? Napagod na sa kahihintay Pasensiya na kung ano'ng gusto mo, hindi ko maibigay Akala ko, habang-buhay plano Matagal na palang nanlalamig ang pag-ibig mo Umasa lang na kahit pa'no, tayo hanggang dulo Kasi 'yun naman talaga ang pinangako mo Oh, pa'no ako magiging okay nito Kung walang ibang laman ang isip kundi tayo? Biglang madamot na ang 'yong mga ngiti, wala namang nagawang mali Lahat ng napag-usapan, biglang lumabo Pero kahit anong sama ng loob, hindi pa rin susuko sa 'yo Paano ba magpaalam sa taong 'di na lang bigla nagparamdam? Na parang wala nang pakialam Sa totoo lang, hindi na alam Ba't ako lang ang nahihirapan dito? Oh, pa'no ako magiging okay nito Kung walang ibang laman ang isip kundi tayo? Biglang madamot na ang 'yong mga ngiti, wala namang nagawang mali Lahat ng napag-usapan, biglang lumabo Pero kahit anong sama ng loob, hindi pa rin susuko sa 'yo Pa'no mo kaya nakayanang gawin sa 'kin, pa'no? Pa'no mo kaya nagawang oras ko'y sayangin, pa'no? Pa'no mo kaya nakayanang gawin sa 'kin? Pa'no mo nagawang oras ko'y sayangin? Pa'no mo nakuhang maging masaya pa rin habang ako'y lumuluha? Ha-ah (Pa'no?) Pa'no ako magiging okay nito Kung walang ibang laman ang isip kundi tayo? Biglang madamot na ang 'yong mga ngiti, wala namang nagawang mali Lahat ng napag-usapan, biglang lumabo Pero kahit anong sama ng loob, hindi pa rin susuko sa 'yo
Writer(s): Alexa Ilacad, Eunice Jorge Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out