音乐视频

音乐视频

制作

出演艺人
Joshua Feliciano
Joshua Feliciano
表演者
作曲和作词
Maria Reina C. Feliciano
Maria Reina C. Feliciano
词曲作者
Rogelio M. Feliciano Jr.
Rogelio M. Feliciano Jr.
词曲作者
制作和工程
Rogelio M. Feliciano Jr.
Rogelio M. Feliciano Jr.
制作人

歌词

Hindi ako marunong sumayaw
Ngunit bigla 'kong gumalaw
Nu'ng ikaw na ang may hawak ng aking kamay
Bawat padyak, ang puso, may sigaw
Ikaw pagtapos ng ikaw pa rin
Ang pipiliin kahit 'di ka man kapiling
At kung malimutan ang mga hakbang
Yakap mo lang ang magpapaalala
Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso
Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo
Ihanda mo na ang 'yong mga kamay
At puso ko ay hihimlay
Sa mga titig mong nakamamatay
Sa dinami-rami ng mga dahilan
Sa 'yo, laging may paraan
Wala nang hihigit sa 'yo maging sino pa man
At kung malimutan ang mga hakbang
Yakap mo lang ang magpapaalala
Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso
Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo
At tayo'y lalayo patungo sa ibang mundo (patungo sa 'yo)
At tayo'y lalayo patungo sa ibang mundo
Ikaw ang biyayang ipagdadamutan
Payapang iibig sa 'yo nang walang hanggan
Hanggang sa ating pagtanda
At kung malimutan ang mga hakbang
Yakap mo lang ang magpapaalala
Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso
Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo
('Pag nalimutan na ang ating pagsinta)
(Isang sayaw lang, ito'y maaalala) patungo sa 'yo
('Pag nalimutan na ang ating pagsinta)
(Isang sayaw lang, ito'y maaalala)
Ikaw ang nag-iisang palatandaan ng paa
Sa bawat padyak ng pusong ayaw mawala
Patuloy lang na hahakbang kahit 'di ko man alam
Kung pa'no, kung papa'no sumayaw
Written by: Maria Reina C. Feliciano, Rogelio M. Feliciano Jr.
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...