album cover

Gitna

Indie Pop2023
album cover
Gitna 由 Stages Sessions 于 2023年10月27日 发行,作为专辑“WLNGPLNB”的一部分。
专辑WLNGPLNB
发行日期2023年10月27日
唱片公司Stages Sessions
BPM
旋律性
不插电
Valence
舞蹈性
能量

歌词

Nakalulan sa bangka ng mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Saklolo saklolo tulungan nyo akong intindihin
Pa'no ba tayo dumating sa ganito?
Sumasagwan na tayong palayo, palabo nang palabo
'Di ko na makita ang pampang
Ng 'yong isipang di malaman para bang
Isang daang sanga-sanga saan ba tayo papunta?
Kung palaging hindi mo alam
Ang sagot sa'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo?
At sa mundong 'yong ginagalawan
Mas pipiliin 'kong wala 'wag mo lang akong iiwan
Sa gitna ah
Ayoko lang maiwan sa gitna ah
Ayoko lang maiwan sa gitna
Sa gitna nitong dagat ng kawalan
Kung saan pinilit kong lunurin ang
Pagtangi na hindi maaari hindi ko mawari kung 'bat natutong lumangoy
Kaya ang puso ko ngayo'y nananaghoy
'Di ba puti't itim lang 'to bakit tayo kulay abo
At palaging hindi mo alam
Ang sagot sa'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo
At sa mundong 'yong ginagalawan
Mas pipiliin 'kong wala 'wag mo lang akong iiwan
Sa gitna ah
Ayoko lang maiwan sa gitna ah
'Wag mo lang akong iiwan sa gitnang
Walang kasiguraduhan wala kasing kahulugan ang mga
Salita na palagi mong binibitawan tuwing magtatanong
Ano nga ba talaga tayo napakalinaw ng malabo
Gusto ko nang matapos ang hindi pa nagsisimula pa lang
Kahit alam ko nang dehado inunawa't anong sabi mong
'Di pa ko sigurado oo o hindi wala namang tama o mali
'Wag mo lang sana naman akong iiwan sa gitna ah
Ayoko lang maiwan sa gitna ah
'Wag mo lang akong iiwan ah
Ayoko lang maiwang nakalulan sa bangka
Ng mga pusong inalipin ng kilig
Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Written by: Davey Langit

Shazam 页脚

选择语言:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

关注我们

Loading...