音乐视频

音乐视频

制作

出演艺人
Chrstn
Chrstn
表演者
作曲和作词
Christine Taguibao
Christine Taguibao
词曲作者
Emman Piala
Emman Piala
编曲
制作和工程
Emman Piala
Emman Piala
制作人

歌词

[Verse 1]
Kulang ang babala
Mayroon palang makikilala
Na tila isang palaisipan
Na pinipilit maintindihan
Napapansin ko na
Ngunit nagpapatay malisya
Mga mata ko'y nakapako sa
Bawat espasyo kung nasaan ka
[Chorus]
Ba't pa kailangan gawing kumplikado?
Kasi minsan ang lapit mo, minsan ang layo
Oooh, nakikita mo rin ba o namamalikmata lang ako?
Nagtatama ang mata kahit ‘di sinasadya
Oooh, baka pwedeng huwag kang tumingin
'Pag tinitingnan kitang palihim, mm
Magiiwas ng tingin ngunit hahanap-hanapin pa rin
[Verse 2]
Oh, mapang-akit ka nga
Wala ba talagang malisya?
Ang bawat sagi ng kamay mo sa'kin
Ako'y tumitiklop parang makahiya, aah
Naririnig na kita
Sa himig mo’y ‘di magsasawa
Sumulat man ang mga anghel ng musika
Sa tinig mo pa rin ako kumakalma
[Chorus]
Ba't pa kailangan gawing kumplikado?
Sa larangan ng pag-ibig sana wala nang talo
Oooh, nakikita mo rin ba o namamalikmata lang ako?
Nagtatama ang mata kahit ‘di sinasadya
Oooh, baka pwedeng huwag kang tumingin
'Pag tinitingnan kitang palihim, mm
Magiiwas ng tingin ngunit hahanap-hanapin pa rin, ooh
Oooh, oooh
Oooh, oooh
[Verse 3]
Nakikita mo rin ba?
Hindi namamalikmata
Namamalikmata
Tinginan nating dalawa
Hindi maikukumpara
Ng nakakahibang mong tingin
Nakikita mo rin ba?
Huwag mo namang hibangin
Hindi namamalikmata
Huwag mong samantalahin
Tinginan nating dalawa
Nanghihinang puso baka tangayin
Hindi maikukumpara
Ng nakakahibang mong tingin
Oh, huwag mo namang hibangin
Huwag mong samantalahin
Nanghihinang puso baka tangayin
Ng nakakahibang mong tingin
Nakikita mo rin ba?
Namamalikmata
Nanghihinang puso baka tangayin
Ng nakakahibang mong tingin
Written by: Christine Taguibao
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...