制作
出演艺人
Shane G
表演者
作曲和作词
Sharmaine Hannah Garcia
作曲
Kevin Christian Marbella
编曲
制作和工程
Shane G
制作人
Kevin Christian Marbella
制作人
Miko Reyes
母带工程师
歌词
[Verse 1]
Nais kang makilala
Bukod sa pangalan mong 'kay ganda
Ikaw ba'y kumain na?
O baka naman nagpapalipas ka, ha
Mahirap namang bumase
Sa nakikita ko sa social media
Maaari bang lumapit at kausapin ka?
Pwede ba?
[PreChorus]
Patuloy na namamangha sa'yong mahika
'Kay gandang tala
Kailan ba masasabing ika'y kaibigan na?
[Chorus]
Hindi ko alam ang gagawin
Dito ka na lang sa'king piling
Ano ba ang dapat sabihin
Para ako'y iyong mapansin?
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
Hanggang lihim na lang bang aking pagtingin?
Ayos lang kung kaibigan munang aking mithiin
[Verse 2]
Nais kang makasama pwede ka ba
Sa sabado o ibang araw?
Ako na ang bahala pagtapos ba nito'y
Diretso na tayo sa simbahan?
Pero teka, masyado pa yatang maaga para isipin 'yan
Paano naman akong hindi na makakalma
Ang mga paruparo sa tyan?
[PreChorus]
Patuloy na namamangha sa'yong mahika
'Kay gandang tala
Mukha ngang ako'y natuluyan na, sinta
Shucks, yari na
[Chorus]
Hindi ko alam ang gagawin
Dito ka na lang sa'king piling
Ano ba ang dapat sabihin
Para ako'y iyong mapansin?
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
Hanggang lihim na lang bang aking pagtingin?
Ayos lang kung kaibigan munang aking mithiin
[Bridge]
Kung ako'y papalaring
Maging kaibigan muna tapos kaibigan
Baka nga hindi 'to normal pero alam kong ito
Ay kaya kong patunayan
Ngayon lang ako naging ganito, oh, oh-oh, oh-oh-oh
Kailan kaya masasabing mahal mo na rin ako?
[Chorus]
Alam ko nang aking gagawin
Kaya dito ka lang sa'king piling
May takot man sa akin pero
Lalaksan ang loob para mapansin
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
'Di na lihim ang aking pagtingin
Ikaw lang parati, palagi ang aking mithiin
Ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang
Ikaw lang ang aking mithiin
Ikaw lang parati, palagi ang aking mithiin
Written by: Sharmaine Hannah Garcia

