album cover
HEADSET
2
Alternative
HEADSET 由 iSurge Music Records 于 2026年1月4日 发行,作为专辑“LIWANAG”的一部分。
album cover
专辑LIWANAG
发行日期2026年1月4日
唱片公司iSurge Music Records
语言English
旋律性
不插电
Valence
舞蹈性
能量
BPM82

音乐视频

音乐视频

制作

出演艺人
iSurge Music
iSurge Music
声乐
作曲和作词
Rod Lindreine Calzado Racal
Rod Lindreine Calzado Racal
词曲作者
制作和工程
iSurge Music
iSurge Music
制作人

歌词

Tahimik ang umaga, mabagal ang lakad
Hawak ko ang pangarap, kahit basag ang hangad
"Trabaho lang 'to... kakayanin 'to,"
Pero pagpasok sa training, iba na ang mundo
Mata'ng pagod, ngiting pilit sa sulok
Metrics na malalim, hindi ko pa nasusulit
AHT, adherence, QA sa papel—
Unang hakbang pa lang, mabigat na ang dalang selda
May bulong na 'di ko narinig noon
"Anak, laban 'to, hindi lang trabaho 'yon."
Unang linggo pa lang, may umiiyak sa CR
May nakayuko sa pantry, pagod na mag-suffer
Luha sa mousepad, tinatago sa script—
"Yes sir, I understand," kahit puso'y may sakit
Kahit sinisigawan, bawal sumagot
Kahit minamaliit, bawal lumusob
Kahit natatamaan, kailangan mag-smile—
Kahit basag na loob mo every call
Team building na walang lesson
Inuman na tawag nilang "culture session."
Utang sa apps, bisyo sa gabi—
Pansamantalang gamot sa hirap at pagod
Maraming nahulog, hindi dahil weak—
Kundi dahil tahimik silang nadurog every week
Pero may ilan na hindi sumabay
Pinili ang tahimik, mas matatag na buhay
Hindi umiinom, hindi nakikisama
Inuuna ang pamilya, umiiwas sa drama
Sa halip na Laguna resort—
Sleeping quarters, pahinga nang konti
Sa halip na alak—
Disiplina ang iniimbak gabi-gabi
At eto ang sugat na hindi tinatalakay
Kapag nawala ka, wala nang babalik sa 'yong tunay
Pag-resign mo: "Sayang."
Pag-tanggal ka na: "Sino next wave?"
Lahat ng tawanan sa smoking area—
Unti-unting nagfa-fade, parang usok sa ere
Ganun kalamig ang paglimot sa 'yo
Ganun kabilis mawala ang "kamustahan n'yo."
Pero kahit ganito ang sistema
May mga hindi tumiklop sa problema
Habang ang iba tumutungo sa inuman
Kami—sumasakay ng motor, tuloy ang laban
Agent sa gabi, rider sa umaga
JoyRide, Angkas, Lalamove sa kalsada
Basang sapatos, katawan na pagod
Pero para sa pamilya, tuloy ang pag-usad
Hindi lang ako ang ganito—marami kami
Maraming Ben, maraming Anna sa gabi
Mga Pilipinong may dalawang trabaho
Kasi kulang ang sahod kahit sobra ang pagsikap sa tao
Kung alam lang nila ang luha sa CR—
Pero paglabas, trabaho pa rin for the ones we care
Hanggang mapansin mong tumibay ka na
May pader kang dinaanan na ikaw lang ang nakaangat
Hindi ka lang customer service—
Ikaw ang haligi at ilaw ng tahanan
Ikaw ang sundalo ng dalawang laban
Kaya ang kantang 'to, hindi lang para sa'kin—
Para sa lahat ng lumaban kahit parang walang kakampi
Para sa agent na umiiyak pero bumabalik sa station
Para sa rider na galing shift, tuloy ang misyon
Para sa hindi bumigay sa tukso
Para sa nakalimutan pero tumayo
Sa likod ng headset, may kwento
Sa likod ng script, may sugat
Sa likod ng boses—may bayani
Ngayon, narinig na kayo ng mundo
Hindi na kayo tahimik
Hindi na kayo invisible
Hindi na kayo nag-iisa
Written by: Rod Lindreine Calzado Racal
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...