album cover
Mapa
10
流行樂
Mapa 由 Warner Music Philippines 於 2020年11月20日發行,收錄於專輯《 》中Mapa - Single
album cover
發行日期2020年11月20日
標籤Warner Music Philippines
旋律
原聲音質
Valence
節奏感
輕快
BPM85

音樂影片

音樂影片

積分

演出藝人
Chloe Redondo
Chloe Redondo
聲樂
Aikee
Aikee
聲樂
詞曲
Aikee
Aikee
作曲家
Brian Lotho
Brian Lotho
編曲
製作與工程團隊
Brian Lotho
Brian Lotho
製作人
Chrisanthony Vinzons
Chrisanthony Vinzons
混音師

歌詞

Mapa, mapa, mapa
Mapa, mapa, mapa
Siyam na buwan sa sinapupunan
Dugo, luha at pawis ang naging puhunan
Pinag-ukulan ng tiyaga at pagpapagal
Ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal
Sa lahat ng sandali, kailanma'y 'di inisip ang kanilang sarili
Mapamalagi lamang at mapanatili na araw-gabi
Kumakandili hanggang sa paglaki at kahit
Sa'n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
Laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso, 'di ako maliligaw
Dahil nand'yan kayo
Mapa, mapa, mapa
Mapa, mapa, mapa
Mapatawad niyo po sana ang inyong anak na madalas nagkakasala
Pagpasensiyahan niyo na kung minsan 'di ko alintana
Ang mga kamalian ko na hindi ko maitama
Mga salita na pabalibag at padabog
Ngunit kayo ni ayaw niyo 'kong padapuan sa lamok
Iningatan 'wag mahulog sa papag nang hindi mabagok
Nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok
Na palaging baunin ang pagiging mabuti
Walang batang napahamak na sumunod at nalugi
Kayo ang humalili upang mapanatili
Ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi
Walang ibang hangad, kung 'di ang mapabuti
Maiayos, mapag-aral, mapatapos, at mapangiti
Mapasaya, mapaganda ang buhay sa hinaharap
Dala-dala ang paalala sa'n man mapadpad na kahit
Sa'n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
Laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso, 'di ako maliligaw dahil
Kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo
Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran
Ng aking puso kayo ang bumuo
Hinarap, pinasan ang bigat, binigay ang buong lakas
Upang mapangalagaan at mapatunayan
Dalisay na pag-ibig sa anak hanggang wakas kahit
Sa'n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
Laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso, oh
Sa'n makarating (Sa'n man makarating)
Ang bilin niyo ang dadalhin (Ang bilin niyo ang dadalhin)
Laging lilingunin (Palaging lilingunin)
Mga payo niyo ang bibitbitin
Mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo (Ma, Pa, Ma, Pa, Ma, Pa, Ma, Pa)
Mapapanatag aking puso
'Di ako maliligaw dahil nand'yan kayo
Mapa, mapa, mapa (Ma, Pa, Ma, Pa, Ma, Pa)
Mapa, mapa, mapa (Ma, Pa, Ma, Pa, Ma, Pa)
Mapadpad man sa malayo
Mapapalinaw ang malabo
Mapapanatag aking puso
'Di ako maliligaw dahil nand'yan kayo
Written by: Aikee
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...