積分
演出藝人
Carlo Magno
演出者
Fr. August Pulido
演出者
詞曲
Carlo Magno
詞曲創作
Fr. August Pulido
詞曲創作
歌詞
Koro:
O mahal naming patron,
Apostol San Andres,
akayin mo kami
patungo kay Hesus.
Turuan mo kaming
sa Kanya'y maghandog:
Tapat na pagsunod,
buong pusong paglilingkod.
I
Isa kang mamalakaya
na tinawag at minahal.
puso mo’y naakit
kaya lahat iwinaksi.
Buong tapat na pagsunod
walang pag-aatubili.
O San Andres, pintakasi,
ipanalangin mo kami! (Koro)
II.
Ang galak mula sa biyaya
ay agad ibinahagi.
Ang butihing kapatid
kay Hesus agad inilapit.
Loobin ngayo’y naging isa
sa tawag at pananalig
O San Andres, pintakasi,
ipanalangin mo kami! (Koro)
III.
Sa panganib ng gutom
ng madlang sumusunod.
Inakay ang isang paslit
sa Poon mo inihatid.
Ang handog na pinagpala
binusog ang napakarami.
O San Andres, pintakasi,
ipanalangin mo kami! (Bridge)
Bridge:
At sa huling sandali
buhay ay inalay mo.
Sa krus muling nagwagi
at biyaya ay langit! (Koro)
Coda:
O San Andres, pintakasi,
ipanalangin mo kami!
Written by: August Pulido, Carlo Magno