音樂影片
音樂影片
積分
演出藝人
ALLMO$T
演出者
詞曲
Angelo Luigi Timog
詞曲創作
Rocel Dela Fuente
詞曲創作
Clien Kennedy Alcazar
詞曲創作
Jomuel John Casem
詞曲創作
歌詞
[Intro]
Oooh, ooh
[Verse 1]
'Di na gano'n 'pag nakikita kita
Takot na lang tangi kong nadarama
Ngayon, sabihin mo nang masaya ka
Sanayin ako na nag iisa
[Verse 2]
Gusto ko mang bumalik sa'yo
Humalik kahit na saglit lang
Kaso natatakot na ako
Na baka balang araw ako ay iwanan mo lang
'Lang magbabago
Palagi kang magtatago
Ako pa rin 'yung talo
Kahit saan mo tingnan
Pero 'di ako galit, kahit na
Madalas mo man na gawing tanga
At halata sa'yong mga matang
Kapag kasama mo 'ko, 'di ka na masaya
Walang naghihintay
Tapos na tayo, bye-bye
'Di na rin ako mangungulit
[Chorus]
Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin?
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban, masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa'kin ang 'yong kamay
[Verse 3]
Ngayon, tayo ay narito
'Di pa rin makapaniwala sa sinabi mo
Balewalain mo na lang at pagtulakan mo
Ano bang pagkukulang ko
Para magawa mo lang na mawalan kaagad
Ng lambing para mahalin mo 'ko
[Verse 4]
Ako lang pala
'Yung may alam
Na meron kang pagmamahal
Pa'no ba kakayanin 'to?
Sanayin ko ma'y 'di natututo
Ikaw ang gusto
Kaso lang ang daya naman na nitong mundo
[Chorus]
Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin?
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban, masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa'kin ang 'yong kamay
[Verse 5]
Ang dating pagtingin, sa'n na ba napunta?
Hirap lang din tanggapin
Balewalain na tayo'y tapos na
Pero ako ba ay minahal mo
'Di gan'to ang inasam ko
Sana nga'y tinapat mo na lang para 'di na gan'to
Akala ko tayong dalawa tinakda
Sa panibago na hamon lang pala ako inihanda
Kung alam ko lang pinigilan kita
Bago nawala ang halaga
Kaso nga pinakita mo na
Ako lang pala magisa ang merong napadama
[Chorus]
Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin?
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban, masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa'kin ang 'yong kamay
[Bridge]
Ano ba ang totoo mong rason?
Bakit mo 'ko iniwan, sayang nga 'yung relasyon?
Hanggang ngayon nagtatanong
Ang sarili ko kung ba't gano'n
Ako ay nakatulala, kinapos ang hininga
Laging umiiyak, 'di na makasalita
Nasanay lang kasi ikaw ang tanging medisina
Ngayon wala ka na pakiramdam ko ay nanghihina
[Chorus]
Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin?
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban, masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa'kin ang 'yong kamay
[Chorus]
Kung 'di mo na 'ko kailangan
Pa'no ko pa pipilitin?
Kung 'yan ang gusto mo
Hindi na kita sisisihin
Iiyak na lang dahil walang magawa
At sana 'di mo maramdaman
Na 'di paglaban, masira't lumuha
Palayain ka't 'di na muling makuha
Ngayon ay wala nang saysay, ooh
Kung wala na sa'kin ang 'yong kamay
[Outro]
Oooh
Yeah
Sana'y 'di mo maramdaman
Written by: Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Jomuel John Casem, Rocel Dela Fuente


