積分
演出藝人
Roel Cortez
演出者
詞曲
Jerico Rimas
詞曲創作
歌詞
[Verse 1]
Ako'y naririto, nagbabanat ng buto
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano
Anong hirap talaga ang kumita ng pera
Kakapal ang 'yong kamay, masusunog pa ang kulay
[Verse 2]
Sa aking pagtulog ang laging iniisip
Bumilis na ang araw upang ako'y makabalik
Itinigil ang bisyo, alak, sugal, sigarilyo
Upang makaipon, magtitiis na lang ako
[Chorus]
Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin
[Verse 3]
At ako ay natuwa, sumulat ang aking anak
Ako ay nabigla at agad ay lumuha
Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana
Si Inay ay may iba, nagtataksil sa'yo, Ama
[Chorus]
Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin
[Verse 4]
At ako ay umuwi, gabi na nang dumating
Ang dal'wa kong anak sa malayo nakatingin
Mata'y namumula halos nakapikit na
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana
[Verse 5]
Ngunit ang masakit, ako'y nagtataka
Dalawa naming anak bakit ngayon ay tatlo na?
Mahal kong asawa may kasama na siyang iba
Anong lupit naman, dala pa ang aking pera
[Chorus]
Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin
[Chorus]
Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin
[Outro]
Napakasakit
Written by: Jerico Rimas