音樂影片
Gloc 9 熱門歌曲
類似的歌曲
積分
出演艺人
Gloc-9
表演者
Skusta Clee
表演者
作曲和作词
Aristotle Pollisco
词曲作者
制作和工程
Gloc-9
制作人
歌詞
Sa dami ng beses na Ika'y tinawag
Para lang humingi sa 'Yo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin nang walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli
Bakit naparito ka, anak? Ako po ay nagkasala
Kapatawaran mo ay tiyak, sa 'kin, ika'y maniwala
Kita mo naman, ako'y tapat para sa iyong pagpapala
Kahit itanong mo sa Kanya
Ang mga mata ko ay dilat sa mga maling akala
'Di nakikita kahit mulat ang mga pandaraya
Ang kasamaan ba'y may ugat? Sino ba ang may sala?
"Hindi ako," 'yon ang sabi niya
Sa dami ng beses na Ika'y tinawag
Para lang humingi sa 'Yo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin nang walang atubili (oh, yeah)
'Di bibilangin ang pagkakamali (oh)
Patawarin mo akong muli
Ilan pong "Ama namin"? (Oh, whoa)
Ilang "Aba Ginoong Maria"?
Ngunit nang aking silipin (oh)
Hindi si Padre ang aking nakita
Ang tagal-tagal ko nang gustong magsalita
Para 'di na 'yung mga maling gawa-gawa
Hindi kasi ginagamot kaya namamaga
Ang gabutil noon, ngayon ay malala
Sinabi ko daw ito at ginawa ko 'yan
Nagpakita daw ako sa mga iilan
'Pag hiningan ka ng pera, 'wag maniwala diyan
'Di mo kilala ang tao na napagkamalan
Basta tandaan mo lang ang sasabihin ko
'Di 'yung pilit na ipinapagawa sa 'yo
Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito
Alam ko na mahirap hanapin ang totoo
Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan
Pagnanakaw, napakaraming magagawa diyan
Nakawin ang totoo, kasinungalingan
Ninanakaw ang dangal ng kababaihan
Puwedeng nakawin ang puso ng nagmamahal
Nakawin ang oras mo sa minamahal
Nakawan ng respeto kahit ang hangal
Kapag ninakaw ang buhay, gilitin ng punyal
O kahit ano pa 'yan, basta kinuha mo
Ang kahit kapirasong saya na hindi sa 'yo (hindi sa 'yo)
Huwag mong kalimutan 'to, uulitin ko
Kasi napipikon ako sa mga gawi mo
Hindi ka puwedeng mabait sa mga mayayaman
Pero ang mga mahirap ay tinatapakan
Upang magmukhang tuwid, laha,t binabasahan
Pero ang kanyang katulong ay binabasahan
Kilala ko naman lahat ng mga bulaan
Kahit na umilag ka ay tinatamaan
Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan
Palagi mong isinisigaw ang aking pangalan (aking pangalan)
Kaya naman, paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal na walang-hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin nang walang atubili (oh, oh)
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com