歌詞
Madalas akong tahimik
Hinahanap ang tamang salita’t sandali
Mahayag ang damdamin
Kaya naman mas mainam idaan sa kanta
Nagsasama ang himig at letra at diwa
Pakinggan ang damdamin, ihahayag na
Sa sandaling ito
Ang mundo ay sa akin
Hayaan mong iawit ko
Ang puso ko’t damdamin
Nagbibigay paalala
Na ikaw at ako ay
Mahalaga, minamahal, mapalad ka
May puwang sa mundo
Mahalaga, minamahal, mapalad ka
May puwang sa mundong ito
Sa mundong ito
Sa mundong ito
Written by: Matthew Chang