album cover
Bathala
78
Singer/Songwriter
Bathala 由 Universal Records 於 1995年1月1日發行,收錄於專輯《Mga Awit Ng Tanod-Lupa》中
album cover
發行日期1995年1月1日
標籤Universal Records
旋律
原聲音質
Valence
節奏感
輕快
BPM154

積分

演出藝人
José Ayala
José Ayala
演出者
詞曲
Joey Ayala
Joey Ayala
詞曲創作

歌詞

Bathala
Likha Ninyo ang bawat bagay sa mundo
Lupang kayumanggi't luntiang bukirin
Alat ng dagat at tamis ng hangin
Bathala
Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad
Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang
Ang tao
Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
Pinagkalooban ng talino at diwa
Upang mundo'y ipaglaban
Talino
Naging ararong nagpaamo sa palad
Naging kumpit na sumagupa sa karagatan
Naging apoy na nagpalayas sa karinlan
Sagana
Sa kayamanan ang mundong Inyong likha
At may bahagi rito ang bawat nilalang
Kung susuyuin nagmula sa kalikasan
Subalit
Buhay dalisa ay 'di sapat sa iilan
Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman
Ganid na diyos ang sinamba
Pinaghahati-hatian po nila ang lupa
Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na
Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan
Walang nakaliligtas sa kanilang karahasan
Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
Subalit ang lumilitaw ay isang panggagahasa
Bathala
Ako'y hinugis N'yo't pinaahon sa lupa
Ang aking buhay ay dito nagmula
At dito rin inaalay
Bathala
Bigyang lakas itong Inyong tanod-lupa
Upang umiral sa mapagsamantala
Panalangin ko'y dinggin sana, harinawa
Bathala
Written by: José Ayala
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...