歌詞
[Chorus]
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
'Wag kang mang-istorbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, 'di mo 'ko maloloko
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
[Verse 1]
Tao po, bigla akong napalingon sa'yo
Isa, dalawa, tatlo
Isa, dalawa, tatlo
Ngiti pa lang, nahulog na ako
Iba ang kinang ng iyong mata
[Verse 2]
Iba ang tibok ng puso 'pag ikaw ang kasama
Misteryoso, tahimik, sadyang mahilig magpaasa
Ay, nagchat ka pala, ito na ang unang kabanata
Lulubog, lilitaw, 'wag ganyan sa isang marupok
[Chorus]
Aw, 'wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
'Wag kang mang-istorbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, 'di mo'ko maloloko
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
Sorry na, marupok
[Verse 3]
Pagbangon sa umaga
Good morning mo unang hinihintay
At minsan, inuumaga
Hinihintay kung kailan ka magrereply
[Verse 4]
Hinawakan mo na ang aking kamay no'ng isang araw
Sabi mo, ako sa'yo'y mahalaga
'Pag kasama na ang pamilya't mga kakilala
Pakilala mo sa'kin, kaibigan ko lang po siya
[Chorus]
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
'Wag kang mang-istorbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, 'di mo'ko maloloko
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
Sorry na, marupok
[Bridge]
Sabi ko, tama na, 'di na kita babalikan
'Di mo kayang panindigan ang mga sinasabi mo
Puso ko'y hindi laruan, madalas akong nasasaktan
Alam ko naman na katangahan ang umasa sa paasang katulad mo
[Chorus]
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
'Wag kang mang-istorbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, 'di mo'ko maloloko
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
[Chorus]
'Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
'Wag kang mang-istorbo kung wala ring magbabago
Alam ko ang kailangan ko, 'di na magpapaloko
'Wag kang kakatok, 'wag kang kakatok
'Wag kang kakatok, 'wag kang kakatok
'Wag kang kakatok kung hindi naman papasok
[Outro]
Sorry na, marupok
Written by: Danielle Balagtas


