歌詞
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang
Hinahanap-hanap ko
[Verse 1]
Kumakabog
Na naman ang dibdib
Sa pagkabahala
Na dala ng daigdig
Sa dami ng nangyayari
Sa'n ba'ko lalapit?
Kundi sa'yo
Lang ako kakapit
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang
Hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Ika'y sasalubungin
[Verse 2]
Nais kong
Sumibol kasama ka
At sulyapin natin
Ang ating hinaharap
Ikaw lang
Ikaw ang aking pahinga
Sa'yo aking gising
Hanggang sa pagtulog
Sa'yo ang pag-ikot ng aking mundo
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang
Hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
[Bridge]
Laman ka ng bawat panalangin
Ikaw ang pahinga sa bawat sandali
Patungo sa'yo ang aking tinig
At iisa lang ang sinasabi ng pintig
Ika'y sasalubungin
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang
Hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
[Outro]
Sa isang sulyap mo lang
Tila ako'y hagkan mo na
At ang mundo'y gumagaan
Written by: Amiel Isaac Sol