音樂影片

音樂影片

積分

演出藝人
BC.Blake
BC.Blake
演出者
詞曲
Patrick Blake Sarmiento
Patrick Blake Sarmiento
詞曲創作

歌詞

Sang araw noong Lunes
Nakita si Ernesto na paalis
Bihis na bihis
’Yong mga mata’y lihis nang lihis parang may nagbabantay
’Di ko alam kung saan papunta
Pero napansin ko makapal ang bulsa
Parang may itinatago siya
Sa kanyang nag-iisang pamilya
Noong sumakay sa may kalsada,
Sinundan kong may kasamang kaba
Pagkatapos mag-abot ng barya
Bumaba siya sa may eskinita
Dali-daling bumababa, dali-daling bumababa
Huminto siya sa tapat ng bahay na ang pinto ay pula
Araw-araw, araw-araw
Nililibot niya ang mundo
Masipag na nagtatrabaho
Akala mo matino
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Hanggang sa paglubog nito
Noong Sabado narinig kong nagsisigawan sila
Noong umuwi si Ernesto sa nanay niyang si Aling Linda
Asaan na daw ’yong pera
Saan na nga ba napunta?
Nanggigigil siya bigla
Dilat na dilat ang mata
Tuloy pa din ang sigawan
Tuloy pa din ang bangayan
Pinalayas na lang siya bigla
Ikinandado ang pintuan
Wala na siyang tatakbuhan
Saka niya lang naalala
Na merong bahay na (na merong bahay na) ang pinto ay pula
Araw-araw, araw-araw
Nililibot niya ang mundo
Masipag na nagtatrabaho
Akala mo matino
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Hanggang sa paglubog nito
Umikot na ang linggo
Wala na si Ernesto sa kabilang bahay
Saan kaya pumuwesto?
Pumunta ako sa kung saan siya madalas
’Di ko na siya nahagilap
Kung saan siya nagpapalipas
Kung saan-saan ko hinanap
Baka ando’n sa alapaap
Bigla akong may nakita
Baka sakaling siya na
Oo, siya nga
Tinanong ko, “Anyare?”
Ito lang ang sa akin sinabi
Biglang naging itim ang bahay na mayroong pinto na pula
Araw-araw, araw-araw
Nililibot niya ang mundo
Masipag na nagtatrabaho
Akala mo matino
Araw-araw, araw-araw
Palong-palo ito
Madaming bagay na ’di nagagawa
’Di kasi kayang huminto
Araw-araw, araw-araw
Mapagbalatkayo
Nililinlang ang mga tao
Kung ano ba ang totoo
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Araw-araw, araw-araw
Hanggang sa paglubog nito
Written by: Patrick Blake Sarmiento
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...