音樂影片

音樂影片

積分

演出藝人
Cup of Joe
Cup of Joe
演出者
詞曲
Raphaell Ridao
Raphaell Ridao
詞曲創作

歌詞

Nakakalimutang pati bahay gumuguho
Inaalalayan mga kaputol na nahuhulog
Lahat sila'y nagpapatuloy, ako'y 'di makaalis
Kinabukasang walang katuloy kung wala ka (kung wala ka)
Kapit, kahit 'di na matamo
Mga matang manlilikha
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
Iyong dala, hinahangad
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo, oh
'Di man maibalik, babalik pa rin sa 'yo
Mapait na nakaraan, puso ang nagbura
Ika'y nilarawan, oh, isang anghel, nakabakas
Tuluyan na 'kong lumulubog sa lupang kinatatayuan
Luha mo sa labi ko ang tanging inaasam
Kapit, kahit 'di na matamo
Mga matang manlilikha
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
Iyong dala, hinahangad
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo, oh
'Di man maibalik, babalik pa rin sa 'yo
Kalangitan, araw, at buwan, lahat ay 'sinumpa
Dugo't pawis, 'di na maalis, ito ba'y nakatakda?
Kahit na sandali, isang saglit
Mayakap ka muli, ito ba'y mali?
Kahit na sandali, isang saglit
Mayakap ka muli, ito ba'y mali?
Kapit, kahit 'di na matamo
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
Iyong dala, hinahangad
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo, oh
'Di man maibalik, babalik pa rin sa 'yo
Written by: Raphaell Ridao
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...