積分

演出藝人
Fred Engay
Fred Engay
聲樂
詞曲
Fred Engay
Fred Engay
詞曲創作
製作與工程團隊
Fred Engay
Fred Engay
製作人

歌詞

Nakita ang liwanag ng iyong mga ngiti
Tumigil ang tibok ng aking pusong nabighani
Sino bang hindi mararahuyo
Sa 'yong kagandahang nakakaakit?
'Di makapagsalita
Sa tuwing ika'y lalapit, papa'no sasabihin na
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti
Nagkakulay ang mundo, napuno ng kilig
Sana ay masabi ang lihim kong pagtingin
Umaasang masuklian ng matamis mong pag-ibig
Nakakatakot umamin, baka masayang lang
Pagkakaibigang ating nasimulan
Pero paano ko mapipigilan
Pusong nahulog na nang tuluyan
'Di makapagsalita
Sa tuwing ika'y lalapit, papa'no sasabihin na
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti
Nagkakulay ang mundo, napuno ng kilig
Sana ay masabi ang lihim kong pagtingin
Umaasang masuklian ng matamis mong pag-ibig
Ano ba'ng nasa isip mo? Pasulyap-sulyap ka dito
Ngiti mo ay 'di ko na maintindihan kung ano ba ako sa 'yo
Ako ba'y napapansin mo rin sa tuwing ako sa 'yo'y nakatingin
Sasabihin ba sa 'yo o hahayaan lang ang damdamin?
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti
Nagkakulay ang mundo, napuno ng kilig
Sana ay masabi ang lihim kong pagtingin
Umaasang masuklian ng matamis mong pag-ibig
Written by: Alfredo Jr Dematera Engay
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...