歌詞
Mahirap na
Di maiwasang hindi bumalik
Kahit na klaro sa'king 'di ka maangkin
Sumama na't di naturuan
ang sarili pa'no umalis
Sa sitwasyon nating 'di mahulaan
Na'saang lupalop ka naman kaya?
Sinong kasama? Diko kilala?
Mga tanong sa isipang palagiang naglalagi at 'di ko maiba
Dama ko rin na iba 'yong saya
Nakatingin sa'yong mga mata
Sinindihan 'di na maapula
Sa'king mundo
Ayaw ka nang mawala
Pag-ibig mong dala
Palagi kong hangad
Babalik sa umpisa
Uulit-ulitin pa
Written by: Kristine Dawinan