旋律
歌曲有多麼清晰易記且符合明確音樂模式的旋律。通常,旋律分明的作品會擁有清晰易記的器樂或人聲主線。
原聲音質
此指標衡量一首歌曲在多大程度上依賴原聲樂器 (例如鋼琴、吉他、小提琴、鼓、薩克斯風),而非電子或數位合成音效
Valence
歌曲透過和聲與節奏所傳達的音樂積極性或情感基調。數值高通常對應快樂、興奮或愉悅感,數值低則與悲傷、憤怒或憂鬱相關。
節奏感
綜合了節拍穩定性、節奏型態與重拍強度等多重因素,以判定一首歌曲適合跳舞的程度。一首「節奏感強」的歌曲,通常具備穩定的速度、重複的音樂結構與明顯的強拍。
輕快
曲目的律動感可能受節奏快慢、音量起伏與聲譜密度所影響。較輕快的歌曲通常節奏強勁,編曲豐滿;反之,不太輕快的歌曲則可能編曲簡約、節奏較慢。
BPM130
積分
演出藝人
Ba$urapper
饒舌, 編程
詞曲
Jovett Ron Ravi Espinosa
詞曲創作
製作與工程團隊
Ba$urapper
製作人, 混音師, 母帶工程師, 錄音師
歌詞
Ang pagdududa, itapon mo uh
Pinto ng bukas ay maibuka
Destino ay dapat nasa iyong palad
Hangad na ikaw ay makakadakma
Gayunman ako ay nakatulala
Nagdududa sa’king ginagawa
Sa pagligoy ko dun sa daloy ng putik
Hiya ay naukit sa kaluluwa ko
Ang pagdududa, itapon mo uh
Pinto ng bukas ay maibuka
Destino ay dapat nasa iyong palad
Hangad na ikaw ay makakadakma
Gayunman ako ay nakatulala
Nagdududa sa’king ginagawa
Sa pagligoy ko dun sa daloy ng putik
Hiya ay naukit sa kaluluwa ko
Takot, diyan sa akin ay bumabalot
Parang lason na nilunok
Nabaluktot ang aking batok
At ang momentum ko’y natapilok
Nang matikman ang pagkabigo
Palihim na lang akong naglaho
Sa dilim, dun ako nagtago
Sa hiya, gustong lumayo
Andaming mga araw na lumipas
Patuloy na ako ay kumukupas
Boses, hindi lumalabas
Paulit-ulit, ‘di makatakas
Kaduwagan, natuklasan
Sa loob ng aking katawan
Nakatitig sa orasan
Utak, nawala sa kawalan
Bakit ganyan?
Lagi na lang
Tumatakbo kapag nahihirapan
Parang ulan
Ang dami naman ng pagpatak
‘Di ko kayang mahawakan
Ako’y natabunan ng mga butil ng buhangin
Sila’y nagkumpulan
‘Di ko matakasan
Ang talaksan ng aking inaasahan
‘Kay hirap naman
Ang pagdududa, itapon mo uh
Pinto ng bukas ay maibuka
Destino ay dapat nasa iyong palad
Hangad na ikaw ay makakadakma
Sa sitwasyong ‘to, ako ay pagod na
Inaagnas, walang ginagawa
Antagal nang nakapikit, mga mata ko
Pangako na bukas ay maiiba
Ang pagdududa, itapon mo uh
Pinto ng bukas ay maibuka
Destino ay dapat nasa iyong palad
Hangad na ikaw ay makakadakma
Sa sitwasyong ‘to, ako ay pagod na
Inaagnas, walang ginagawa
Antagal nang nakapikit, mga mata ko
Pangako na bukas ay maiiba
Sa’n ba ako nagkamali?
Ba’t ba ako nagmadali?
Ba’t ba kasi ang uliran
At kakayahan ko ay magkatunggali?
Ano ba ang hindi ko nakikita?
Sa’kin pababa, ano ang humihila?
Ano ang kailangang maunawan
Para ang sagot ay sa’kin mapunta?
Lahat ng sagot sa tanong ay sarili ko
Ang rason kung ba’t ako ay nagkagan’to
Dahilan ko ay takot akong mabigo
Kaya ako na lang ay tumakbo
Pero ngayon, tapos na ‘kong magtago
Ang sigla ko’y ‘di na nakakandado
Sa bawat hakbang ay ‘di na ko susuko
Sa bawat hakbang ay ‘di na liliko
Ngayon, nakikita ko na
Ang kumikintab na daan
Nilapitan ko na
Ang paglalakbay ng ‘sanlibong hakbang
Ay nagsisimula sa isa
Tinanggal na, mga nakataling kadena
Wala nang bigat na nadarama
Hinagis na ang pangangamba
Dire-diretso na sa mga gustong makuha
Ang pagdududa, tinapon ko na
Pinto ng bukas, dinaanan na
Destino ay nasa sarili kong palad
Mga hangad ko, aking madadakma
“Ba$ura is back.” Masasabi ko na
No holding back sa’king ginagawa
Andami ng kailangan kong bawiin
Ganun pa rin, ako’y nagsimula na
Ang pagdududa, tinapon ko na
Pinto ng bukas, dinaanan na
Destino ay nasa sarili kong palad
Mga hangad ko, aking madadakma
“Ba$ura is back.” Masasabi ko na
No holding back sa’king ginagawa
Andami ng kailangan kong bawiin
Ganun pa rin, ako’y nagsimula na
Written by: Jovett Ron Ravi Espinosa

