Lyrics

Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot Mga maling adhikain ay 'di tamang sagot Marawi, sabay-sabay nating ibabangon Buong pagmamahal, tayo ay aahon Marawi, darating din ang isang dapit-hapon Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon Kristyano at Muslim hindi ba't iisa? Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama Kung bubuksan ang puso ng bawat isa Sa mundo ang maghahari ay ngiti't saya Marawi, sabay-sabay nating ibabangon Buong pagmamahal, tayo ay aahon Marawi, darating din ang isang dapit-hapon Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa Pula, puti, asul, dilaw, tayo ay iisa Ang pag-ibig, isapuso, 'yan ang mahalaga Ako, ikaw, sila, tayo'y magsama-sama Marawi, sabay-sabay nating ibabangon Buong pagmamahal, tayo ay aahon Marawi, darating din ang isang dapit-hapon Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon Marawi, sabay-sabay nating ibabangon Buong pagmamahal, tayo ay aahon Marawi, darating din ang isang dapit-hapon Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon Marawi
Writer(s): Vehnee Saturno Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out