Lyrics

Awit, masaya ang mga tenga Sa aking alaala ito nagsimula Ilaw, ika'y pinakilala Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda Antok at pagod, tila naglaho Pagkagising, panaginip ang dumalaw Damdamin ko'y umaapaw Labi, halik na ninanais Sa dulo ng aking dila, salitang matatamis Yakap, higpit ng mga braso Sa 'yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo Halo-halo sa isipan ko Init, tinig at tamis sa araw-araw Damdamin ko'y umaapaw Handang sabihin at ipakita 'Wag pigilin ang pagbugso Pagkagising, panaginip 'Wag pigilin ang damdamin Puso, hayaang paganahin Sa muling pagkikita, mayro'ng dadalhin Talumpati sa harap ng isang tao Walang ibang kailangan, lahat kabisado Buo ang loob ko sa iyo Ganito ako kasigurado Init, tinig at tamis Awit, yakap at halik Ikaw ang tubig na papawi sa 'king uhaw Pag-ibig ko'y umaapaw
Writer(s): Traditional, Ang Bandang Shirley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out