Lyrics

'Wag tahaking mag-isa Bulong mula ulo hanggang paa (paa) Ang araw ay mag-aantay sa sinag ng buwan 'Wag hayaan ang paa (paa) Pinosas ang kamay ng bata Upang ito'y maging isang sunod-sunuran Akin ngang inaasahang Hindi mawawala ang kawalan sa iyong kaluluwa Wala ka nang magagawa Patuloy mong sisirain Basahin bawat kaluluwa Bangungot ng panaginip ang magpapagising Ang pag-asang nawala Pilit kong balikan ang nakaraan Pinosas ang kamay ng bata Upang ito'y maging isang sunod-sunuran Akin ngang inaasahang Hindi mawawala ang kawalan sa iyong kaluluwa Wala ka nang magagawa Patuloy mong sisirain Basahin bawat kaluluwa Bangungot ng panaginip ang magpapagising Subukan mo lang, subukan mo lang at makakaya mo At baka sakaling matanaw ang nawala Isara ang kamay sa mga gabay ng mga anino Langit at luha, aking pinapasan Subukan mo lang, subukan mo lang at makikita mo Subukan mo lang, subukan mo kung makakalaya ang... Pinosas na kamay ng bata At ito'y naging isang sunod-sunuran Akin ngang inaasahang Hindi mawawala ang kawalan sa iyong kaluluwa Wala ka nang magagawa Patuloy mong sisirain Basahin bawat kaluluwa Bangungot ng panaginip ang magpapalaya ng... Magagawa Patuloy mong sisirain Basahin bawat kaluluwa Bangungot ng panaginip ang magpapagising
Writer(s): Blaster Mitchell Silonga, Daniel Zildjian Benitez Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out