Lyrics

Isang tanong, isang sagot Wala na ngang ikot-ikot Gusto ko lang liwanagin Ako ba ay mahal mo rin? Nakita ko sa kilos mo Na may tibok rin ang puso Wala ka lang sinasabi Bitin tuloy ako Ang hirap naman ng lagay ko 'Di pwedeng mauna sa 'yo Kailan ko ba maririnig Na 'kin ang 'yong pag-ibig? Isang tanong, isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin? Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh Hanggang langit ang lundag ko Isang tanong, isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin? Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh Hanggang langit ang lundag ko, whoa, whoa Bawa't araw nang magising Pag-ibig ko'y lumalalim Hangga't hindi mo aminin Lalong nabibitin Sa lambing na napapansin At lagkit ng iyong tingin Ano pa ba'ng iisipin Sa ibig sabihin? Tapusin mo na nga ang pag-ikot Ng isipan at puso ko Ngayon sana ay marining Na 'kin ang iyong pag-ibig Isang tanong, isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin? Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh Hanggang langit ang lundag ko Isang tanong, isang sagot lang ang akin Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin? Kapag inamin mong ako'y mahal mo, oh-oh Hanggang langit ang lundag ko, whoa Isang tanong, isang sagot talaga ang akin Ako ba ang mahal ng puso at damdamin? Sige na, aminin mong ako'y mahal mo, oh-oh Hanggang langit lundag ng puso ko
Writer(s): Donna Cruz Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out