Lyrics

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato Kasinggulo ng tao, kasinggulo ng mundo Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo Nagkagulo Ang bayan ko sa Cotabato, kasinggulo ng isip ko 'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo Kapatid sa kapatid, laman sa laman Sila-sila ang naglalaban 'Di ko alam ang dahilan ng gulo Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo Prinsipyo mo'y igagalang ko Kung ako'y 'yong nirespeto Kung nagtulungan kayo 'Di sana magulo ang bayan ko Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato Ako ay namulat sa napakalaking gulo Dahil walang respeto Sa prinsipyo ng kapwa tao Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo... Ang gulo Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo Kapayapaa'y bigyan ng daan Kapayapaan sa bayan ko Bakit kailangan pang maglaban Magkapatid kayo sa dugo Kailan kayo magkakasundo Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko Kung ako'y may maitutulong Tutulong nang buong puso Gitara ko'y aking inaalay Kung magkagulo'y gamitin mo Kung ang kalaba'y walang puso Puso na rin ang gamitin mo Ituring mong 'sang kaibigan Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo Sa bayan kong sinilangan (Bakit may gulo) Sa timog Cotabato (Sa timog Cotabato) Ako ay namulat (Kailan matatapos) Sa napakalaking gulo (Ang gulo) Dahil walang respeto (Kailan magkakasundo) Sa prinsipyo ng kapwa tao (Ang tao) Kapwa Pilipino (Kapwa Pilipino) Ay kinakalaban mo (Bakit kinalaban mo) Ang gulo...
Writer(s): Banares Jr. Cesar, Carbon Lolita Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out