Lyrics

"Masama ka sa 'kin, masaya ako sa 'yo Kaya bakit pa natin ipagpipilitan ang hindi pwede?" Sambit mo sa 'kin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo Magkahawak ang kamay, ngunit 'di mahigpit At nag-aantay na lang na isa sa 'tin ang bumitaw Kapalaran na siguro nating masaktan "Masaya ka sa 'kin, masama ako sa 'yo" Ngunit ubos na ang lahat, upos na lang ang natira (natira, natira, natira) Tatlong araw na tayong 'di nag-uusap Ni isa sa ating dalawa'y 'lang balak makiusap Alam nating pareho tayong nagkulang At ang tayo'y 'la na ring patutunguan Ngayon bakit nga ba tayo nagkita? Nakalimutan na't tila Balak nating mag-ayos, ang lalo sa 'ting nagpasira 'Di ba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay Ay magkikita rin sa tamang panahon Ngayon aking napaisip, papa'no kung gano'n? Kung tayong nga talagang dalawa'y Bakit pa tayong dapat na maghiwalay ngayon? Kung gano'n magbiro ang tadhana Ay dapat, alam n'yang 'la 'kong oras makipagbiruan ngayon 'Wag mo na 'kong kulitin pa 'Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka Kung magkasalubong, 'wag na natin pansinin Ang isa't isa pagkalito'y 'wag ng kunsintihin pa Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa 'yo, mahal kita, pero tama na Dahil hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko, oh Ibigay kung anong gusto ko, oh Ibigay anong nararapat sa atin dahil 'di na natin kaya 'Wag ng pilitin kahit pwede Isipin ang sarili't 'wag na sa 'tin dumipende Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagka-dengue 'La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente Hindi mo ko kailangan, at ganun ka rin sa 'kin Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya-ayang basahin Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin Talagang dapat mong asahan ang 'di mo aakalain Ba't ba tayo naniwala? Pagmamahalan natin dati pa'y 'di alintanta Ngayon dapat na limutin na ang ating alaala Kailangan na magbura para matuto tayo lalo, parang sulat sa pisara 'Wag mo na 'kong tanungin pa Masasaktan ka pa rin kahit aking saluhin ka Panandaliang marka lang 'to sa 'tin, parang henna Pansamantalang pagmamahal 'di dapat ikadena Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh Ibigay kung anong gusto mo, oh Ibigay anong nararapat sa 'yo, mahal kita, pero tama na Dahil hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko, oh Ibigay kung anong gusto ko, oh Ibigay anong nararapat sa atin dahil 'di na natin kaya
Writer(s): Bj Castillano, Emmanuel Salen Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out