Lyrics

Isang liham ang napadpad sa pugad Dali-dali ay aking ginalugad Agad bumungad ang mga pangungusap Na para bang hinatid ako sa ulap Parapappap napapaawit pa Subalit 'di ka nagbalik ako'y nangawit nang Maghintay muli sa wala Napakagat sa manamis-namis na salita Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla Hindi pala todo iwas pa sa bawat tanong Puede bang malaman kung Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula Palagi-lagi na lamang bang Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod Ito marahil ang promise sorry note Nakakapagod ang patuloy na umasa Kung maaari lang puede bang ipasa Ang nararamdamang hindi mabasa Sa akala'y nagpasasa kaya Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla Hindi pala umiwas pa sa tanong Puede bang sabihin mo kung Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula Palagi-lagi na lamang bang Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod Ito marahil ang promise sorry note Laban lang nang laban sobrang tapang ko Maling tao na pala pinaglalaban ko Bawat guhit nakaukit sa dibdib ay pumupunit Pinipilit kahit ang sakit ay paulit-ulit Ilang pangako ang napako na naglaho Nais mong maging malinaw ang dati nang malabo Para bang nagpalamig ka sa gitna ng lahar Kailangan kita waze saan ba ko lulugar Nalilito, gulong-gulo hanapin ang sarili ko Sana ay makasalubong ko para masabi ko Tama na awat na puso ko'y pagod na Hanggang isip at sa kaloob-looban ay durog na Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod Gusto ko lang malaman Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula Palagi-lagi na lamang bang Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod Ito marahil ang promise sorry note (Oooohhhhhhh) Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod Paulit-ulit na promise sorry note
Writer(s): Nicole Macapagal Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out