Lyrics

Sana'y wala nang wakas Kung pag-ibig ay wagas Paglalambing sa 'yong piling Ay ligaya kong walang kahambing Kung 'di malimot ng tadhana Bigyang tuldok ang ating ligaya Walang-hanggan ay hahamakin 'Pagka't walang katapusan kitang iibigin Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan Hindi kita maaaring iwanan Kahit ilang awit ay aking aawitin Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin Kahit ilang dagat ang dapat tawirin Higit pa riyan ang aking gagawin Sana'y wala nang wakas (sana'y wala nang wakas) Kapag hapdi ay lumipas Ang mahalaga ngayon ay pag-asa (pag-asa) Dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig (saksi buong daigdig) Kung 'di malimot ng tadhana Bigyang tuldok ang ating ligaya Walang-hanggan ay hahamakin 'Pagka't walang katapusan kitang iibigin Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan Hindi kita maaaring iwanan Kahit ilang awit ay aking aawitin Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin Kahit ilang dagat ang dapat tawirin Higit pa riyan ang aking gagawin 'Di lamang pag-ibig ko 'Di lamang ang buhay ko'ng ibibigay Sa ngalan ng pagibig mo Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko
Writer(s): Willy Cruz Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out