Lyrics

Lagi ka na lang tumatakbo sa isip Gusto kang makasama hanggang panaginip Sumama ka, halika na Dadalhin kita sa munti kong paraiso Tayo ay maglakbay, habang tayo ay magkahawak ng kamay 'Di mapalagay 'pag wala ka sa tabi Gusto ka na makasama mapa-araw o gabi Bago sumindi, emosyonal na nagbabalot Kwentuhan natin hanggang sa'n naman kaya aabot? Mapaglaro ang panahon, kung minsan ay madamot Ipagtatanggol kita laban sa mundo, huwag matakot Yakapin mo ako na para bang wala nang bukas Halik mo ang gamot sa karamdamang walang lunas Pintahan nating muli larawang kumupas Halika, sumindi ng halamang lasang prutas Dito sa planeta ng tao, ikaw ang dinayo ko para lang makatikim ng halik Kung saan ako galing, hindi mo alam, pero parang ayaw ko na rin bumalik Boses mo ang pinakamagandang musika na aking narinig Ikaw ang isa sa mga dahilan kaya gusto kong magtagal sa daigdig Lagi ka na lang tumatakbo sa isip Gusto kang makasama hanggang panaginip Sumama ka, halika na Dadalhin kita sa munti kong paraiso Lagi ka na lang tumatakbo sa isip Gusto kang makasama hanggang panaginip Sumama ka, halika na Dadalhin kita sa munti kong paraiso Ikaw lamang ang tanging minahal ng walang hanggan Ikaw ang laman ng lagi kong dasal Sana magpakailanman kitang makasama
Writer(s): Lo Ki Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out