Music Video

Sampaguita by Juan Karlos ft. Gloc-9 ( 8D Music Hub )
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
juan karlos
juan karlos
Vocals
Gloc-9
Gloc-9
Vocals
Clark Cunanan
Clark Cunanan
Bass
Gian Rey Hipolito
Gian Rey Hipolito
Drums
Jeriko Aguilar
Jeriko Aguilar
Guitar
Maegan Aguilar
Maegan Aguilar
Background Vocals
Shaniah Rollo
Shaniah Rollo
Background Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Juan Karlos Labajo
Juan Karlos Labajo
Composer
Aristotle Polistico
Aristotle Polistico
Composer
juan karlos
juan karlos
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
juan karlos
juan karlos
Producer
Enrico Ilacad
Enrico Ilacad
Executive Producer
Shinji Tanaka
Shinji Tanaka
Recording Engineer

Lyrics

Oh, aking sinta, pasensiya ka na Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi Nagdaang mga Pasko, Bagong Taon at araw Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw At maabutan man lang ng paboritong bulaklak 'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan Mga "sana" na mahirap nang bilangin kung ilan Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan At sa paglubog ng araw, 'di kita matabihan Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong... Anak, kaarawan mo na ulit 'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit Naaalala ka ni Tatay tuwing ako'y pumipikit Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola O lumangoy sa batis na katulad ng iba At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskuwela, puso ko'y nag-uumapaw Sa tuwa dahil ganyang-ganyan ako noon Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong "Kailan ka uuwi?", sa 'kin ay binubulong Sagot na "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan Pero sugat mo sa tuhod, hindi ko mahalikan Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la, ha Sa halimuyak ng 'yong... Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo Mula sa lugar na para kumita ay dinayo Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na Tsokolate at laruan, pati sabong panlaba Eroplano'y lumapag na, ako lamang mag-isa Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela, malayo akong dinala No'ng tanungin ko, "Teka muna, pare", ay bigla na lamang s'yang natawa Nag-iba'ng aking kaba; teka, bakit may pumasok pa na dalawa? Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin Sa bituin kahit madilim, pero bakit sa dulo'y ako pa rin ang bibiguin? Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik, babalik, giliw Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la, oh Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)
Writer(s): Unknown, Labajo Juan Karlos Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out