Lyrics

Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan Sa t'wing ikaw ay aalis at hindi nagpaalam? Nais kong malaman mo na ako'y nagtatampo 'Pag nalimutan mo ang pasalubong ko Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan Sa t'wing makikita kitang may ibang kakuwentuhan? Nais kong malaman mo na ako'y nandirito Pwede ba ako kahit makiusyoso? Ngunit pagsapit ng gabi, heto ka sa 'king tabi Sa pag-ibig mo, 'di ako nagsisisi At paggising sa umaga, maamo mong mukha ang nakikita Na sa akin ay lubos na nagpapaligaya Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan Sa t'wing ika'y nalulungkot at mata ay luhaan? Nais kong malaman mo, 'yan ay pupunasan ko Sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo Ngunit pagsapit ng gabi, heto ka sa 'king tabi Sa pag-ibig mo, 'di ako nagsisisi At paggising sa umaga, maamo mong mukha ang nakikita Na sa akin ay lubos na nagpapaligaya Ngunit pagsapit ng gabi, heto ka sa 'king tabi Sa pag-ibig mo, 'di ako nagsisisi At paggising sa umaga, maamo mong mukha ang nakikita Na sa akin ay lubos na nagpapaligaya Hindi mo ba alam?
Writer(s): Manuel Palomo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out