Lyrics

Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo 'Yan ang totoo Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman Buhay ay 'di gan'yan Tanggapin mo na lang ang katotohanan Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang, makinig ka na lang Gan'yan talaga ang buhay, lagi kang nasasabihan 'Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman Makinig ka sa 'king payo 'pagkat musmos ka lamang At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian Batang-bata ako, nalalaman ko 'to Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman At nauunawaan Ngunit kahit gan'yan ang kinalalagyan Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang Kahit bata pa man, kahit bata pa man Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Sariling pagraranas ang aking pamamagitan Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo (Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan) Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman (Sariling pagraranas ang aking pamamagitan) Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang (la-la-la-la-la-la-la) La-la-la-la-la-la (imulat ang isipan) La-la-la-la-la-la-la (sa mga kulay ng buhay) La-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la
Writer(s): Jaime Paredes Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out