Lyrics

Ikaw ang pinangarap Ikaw ang hanap-hanap Ngunit bakit nagbago ang lahat? Ang init ng pagmamahal, parang naging salat Pangako habang-buhay Nangakong 'di magwawalay Ngunit ba't lumamig pagmamahal? Parang 'di na ikaw, sa Maykapal, ang dinasal Ano'ng nangyari sa ating dalawa? Akala ko noon, tayo ay iisa Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan? Ano'ng nangyari sa ating dalawa? Pagmamahal, ngayo'y bakit naglaho na? Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan? Nasa'n ang sumpaan? Akala ko'y walang-hanggan Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan? Hanggang dito na lang ba ang ating walang-hanggan? Ano'ng nangyari sa ating dalawa? Akala ko noon, tayo ay iisa Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan? Ano'ng nangyari sa ating dalawa? Pagmamahal, ngayo'y bakit naglaho na? Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan? Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari?
Writer(s): Joven Tan Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out