Lyrics

Hating-gabi, hating-araw Magdidikta'y ikaw, ilalim o ibabaw Kalahating puno o kalahating ubos Ikaw ang gagawa ng sarili mong unos Sa isang malamig na sulok, kaluluwa'y binubulok Kaliwa't kanan ang pagdaing, sarili ay nilulugmok Sa isang daang yardang puti, mas kita mo pa ang tuldok Sino, sino, sino, sino ang talo? Ba't 'di mo pa subukan? 'Wag bilangin ang kulang Oras ay 'wag sayangin sa walang kapararakan Iisa lang ang buhay mo, gamitin mo 'to nang husto Sino, sino, sino, sino'ng panalo? Umaapaw-apaw ang biyaya 'Wag mo sanang ipagwalang-bahala Imulat mo ang isip at diwa Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa Ang buhay natin ay isang himala 'Wag kang malunod sa pag-aalala 'Wag mong isipin na ika'y walang-wala Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya Kapit-patalim o kapit sa panalangin Ikaw ang pipili kung sa'n ka dadalhin Medyo hindi o medyo gising Nakasalalay sa 'yo kung pa'no'ng pagtingin Ang 'yong kamay, iyong paa, tenga, bibig at 'yong mata Ang puso mo'y tumitibok, ang baga mo'y humihinga Walang saysay ang magmukmok, isipin mong mapalad ka 'Di ka, 'di ka, 'di ka, 'di ka kawawa Bigat ng 'yong pasanin, sa Diyos ipaubaya Ang 'yong pagsisikap, lakipan mo ng tiwala Para 'di ka na mahulog, lilipas din ang 'yong tulog Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya Umaapaw-apaw ang biyaya 'Wag mo sanang ipagwalang-bahala Imulat mo ang isip at diwa Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa Ang buhay natin ay isang himala 'Wag kang malunod sa pag-aalala 'Wag mong isipin na ika'y walang-wala Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa) Oh, whoa, oh (oh, oh, whoa) Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa) Oh, whoa, oh (oh, oh) Oh, oh, whoa, oh (oh, oh, whoa) Oh, whoa, oh (oh, oh, whoa) Umaapaw-apaw ang biyaya Umaapaw-apaw ang biyaya Umaapaw-apaw-apaw (umaapaw) Umaapaw-apaw-apaw Umaapaw-apaw-apaw (umaapaw) Umaapaw Umaapaw-apaw ang biyaya 'Wag mo sanang ipagwalang-bahala Imulat mo ang isip at diwa Sa isang iglap, nandito ka, walang hindi magagawa Ang buhay natin ay isang himala 'Wag kang malunod sa pag-aalala 'Wag mong isipin na ika'y walang-wala Mayro'n, mayro'n, mayro'n, mayro'ng biyaya 'Wag ka nang dumaing Baka masunog ang sinaing 'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing Baka masunog ang sinaing 'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing Baka masunog ang sinaing 'Wag ka nang, 'wag ka nang dumaing Baka masunog ang sinaing Umaapaw-apaw ang biyaya
Writer(s): Chochay Magno Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out