Lyrics

Akala ko hindi na darating ang panahon Na liliwanag ang daang nasisilayan ko Sa libo-libong taong nangangarap Binigyan mo ako ng pagkakataon Kung mababago ang landas na tatahakin ko Ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko Sa bawat sandaling kasama kita Binigyan mo ng buhay ang aking mundo Dumadaan ang araw 'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras Pwede bang humiling Isa pang araw na ikaw lang ang kasama? Kulang na kulang ang panahon 'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon Pwede bang humiling, isa pang araw? Hindi ko napansin, unti-unting nawawala Ang kaba sa 'king dibdib Bawat minutong nakapiling kita Tumatapang ako nang dahil sa 'yo Dumadaan ang araw 'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras Pwede bang humiling Isa pang araw na ikaw lang ang kasama? Kulang na kulang ang panahon 'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon Pwede bang humiling, isa pang araw? Sa pagsikat ng araw, ikaw ang laging hanap Sa pagpalit ng buwan, sana ikaw pa rin ang tangan Kulang na kulang ang panahon 'Di sapat ang meron tayo ngayon Pwede bang humiling, isa pang araw? Dumadaan ang araw 'Di mo namalayan, naubusan ka ng oras Pwede bang humiling (pwede bang) Isa pang araw na ikaw lang ang kasama? Kulang na kulang ang panahon 'Di sapat ang mayro'n tayo ngayon Pwede bang, pwede bang Pwede bang humiling, isa pang araw?
Writer(s): Miguel Mendoza Iii Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out