Music Video

Freddie Aguilar - Anak Epilog (Official Lyric Video)
Watch {trackName} music video by {artistName}

Credits

PERFORMING ARTISTS
COMPOSITION & LYRICS
Freddie Aguilar
Freddie Aguilar
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Ivory Music & Video, Inc.
Ivory Music & Video, Inc.
Producer

Lyrics

Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa'yo Ngayon nga ay malaki ka na At nais mo'y maging malaya Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa'yo Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong "Anak ba't ka nagkaganyan?" At ang iyong mga mata'y biglang lumuha Nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong Ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong Ika'y nagkamali Kahapon ay nalimot mo Pati ang masamang bisyo Laking pasalamat ng magulang mo Ikaw nga ay tuluyang nagbago Natagpuan ang sarili Galaw ng isip mo matuwid na Patuloy ang takbo ng araw At ikaw ay natutong umibig Hindi naglaon at ipinasya Mong lumagay ka na sa tahimik Pagka-binata mo'y natapos na Malapit ka na maging ama Kaya lalong nagsikap ng husto Dumating ang iyong hinihintay Sinilang ang panganay mo Parang langit ang iyong nadama Ngayon anak, alam mo na Kung anong pakiramdam ng maging isang ama Ganyan din ang nadarama ng iyong Ama't ina nang ikaw ay makita Ngayon iyong naramdaman Ngayon iyong naranasan Ngayon iyong maiintindihan Tama pala ang iyong ina Tama pala ang iyong ama Ngayon hindi ka na magtataka Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out