Lyrics

Ama namin, maaari kayang... Mga tuhod magkabilaang nangangapal kakaluhod Sa harapan ng salamin, parang hibang Panay ang tanong kung Maaari bang mapasa'kin ka't mapasaiyo ako? 'Yan ang paborito kong dasal Dalawang patinig lang ang pinakaaasam Puwede bang ako na lang? (Sabihin mo, "Oo") Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto) Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan Puwede bang ako na lang? Sabihin mo, "Oo" Bago iparating sa 'yo ang mga panalangin Ilang beses ipinaalam sa itaas ang bulong "Maaari ba 'kong maging palagi mo Dito sa mundong mailap ang kasiguraduhan?" Dalawang patinig lang ang pinakaaasam Puwede bang ako na lang? (Sabihin mo, "Oo") Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto) Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan Puwede bang ako na lang? Sabihin mo, "Oo" Ama namin, maaari kayang (Oo) Mapasa'kin pinakaaasam? (Oo) Ama namin, maaari kayang (Oo) Mapasa'kin pinakaaasam? (Oo) Puwede bang ako na lang? (Sabihin mo, "Oo") Makasayaw mo hanggang (kaya mo't gusto) Mahaba man ang prusisyon, sasamahan ka sa simbahan Puwede bang ako na lang? Sabihin mo, "Oo" Sabihin mo, "Oo" Sabihin mo, "Oo" Sabihin mo, "Oo"
Writer(s): Alvin Serito Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out