Lyrics

Sumapit man ang dilim Hindi mangangamba Magkakanlong sa dilim Hindi nag-iisa Dahil kapiling ka, oh Lumalim man ang gabi Hindi mahihimbing Aabangan ang buwan habang binibilang Ang mga bituin Ang luha at dahas ng nagdaang umaga Sa lambong ng gabi, tila naglaho na May luha at dahas sa darating na bukas Ngunit habang gabi, walang mababakas, whoa Yakapin mo ako habang atin ang gabi Habang atin ang mundo Oh-whoa, oh Oh, oh Paglipas ng magdamag Hindi malulumbay Dahil buong magdamag Tayong dal'wa, sinta, nangarap nang sabay Ang luha at dahas ng nagdaang umaga Sa lambong ng gabi, tila naglaho na May luha at dahas sa darating na bukas Ngunit habang gabi, walang mababakas, oh Yakapin mo ako habang atin ang gabi, oh Yakapin mo ako habang atin ang mundo, ooh Yakapin mo ako habang atin ang gabi Habang atin ang mundo
Writer(s): Jay Durias, Armando Lao Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out