Lyrics

'Di magwawakas hanggang sa dulo ng mundo Ang kalinga ko'y asahan mo Kahit pa ano'ng landas ay tatahakin ko Upang tayo'y 'di magkalayo Sana'y laging kapiling 'Yan ang aking dalangin Magpakailanman, hindi magbabago Ang sinisigaw nitong aking puso Magpakailanman, magpakailanman Sa t'wing kinakailangan mo'y narito ako Handang dumamay sa iyong lungkot Habang-buhay ay hinding-hindi maglalaho Ang himig natin ay aawitin ko Sana ay pakinggan Tayo ay walang hanggan Magpakailanman, hindi magbabago Ang sinisigaw nitong aking puso Magpakailanman, magpakailanman Narito ang tinig ko, tumatawag sa 'yo (tumatawag sa 'yo) Sana ay buksan ang 'yong puso (ang 'yong puso) Magpakailanman, hindi magbabago Ang sinisigaw nitong aking puso Magpakailanman (magpakailanman), magpakailanman (magpakailanman) Magpakailanman
Writer(s): Wency Cornejo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out