Lyrics

Mahawi man ang ulap, 'di mo matitiyak Kung may malalabing bughaw ka pang matatanaw At sa umaga't hapon ba'y may araw na sisikat? Sa gabi naman kaya'y may talang kikislap? Habang sinasariwa, dati mong mga pangarap Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang pusong bihag ng karimlan Kayanin mong limutin, luha ng nagdaan Ba't mo pa iisipin ang dating sumpaan? 'Sanlibo't 'sang kasawian, pasan mo habang-buhay Kung 'di mo ngingitian, dinanas na lumbay Ulan ay mahahawi, kahit na paminsan-minsan Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang puso, muling sundan ang araw Hawiin mo ang ulap ngayon
Writer(s): Willy Cruz Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out