Credits

PERFORMING ARTISTS
Guddhist Gunatita
Guddhist Gunatita
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Genesis Lago
Genesis Lago
Songwriter
Archie Dela Cruz
Archie Dela Cruz
Songwriter

Songtexte

Marami pa'ng puwede mangyari
Marami kang puwede aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa
Mga bagay na gusto mo mahawakan
Tanggapin mo, mayro'n kang kailangan na bitawan
Para sa ikabubuti ng iyong isipan
Lagi mong unahin ang sariling kaligtasan
Sandali, 'kala mo madali lang
Masawi sa mundo at maiwang
Mag-isa, luhaan, walang bilang
Alam ko naman na gagaling, mahapdi lang
Kailangan tiisin ang mga bagay
'Pagpaliban muna ang ubo at tagay
'Yoko na magaya do'n sa mga tatay
Na pulutan ay sakit at pagka matagay
Alagaan ang sarili, ang sarili ang tutulong sa sarili
'Pag lubos na nawiwili sa iba, 'wag ka dumepende
Marami pa'ng puwede mangyari
Marami kang puwede aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa (sa'n pa nga ba?)
Maayos na buhay, siguradong kaligtasan (let's go)
Sa lupa babalik, natural na kalikasan
Ang isip lawakan, kahapon, 'wag mo takasan
Sarili mong kamalayan ang susi sa kalayaan
Kung minsan ay panay-panay, walang humpay, sabik sa pagtuklas
Minsan nama'y puro sablay, parang gusto na lang na kumalas
Ta's nakakautas, laging problemado hindi malutas
Mayo'n kaagad bago, hindi pa tapos ang mga suliraning kinakaharap
Marami pa'ng puwede mangyari (napakarami, napakarami, oh, napakarami)
Marami kang puwede aralin (napakarami, napakarami, oh, napakarami)
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga ('wag ka matakot)
Kailangan mo magsakripisyo para sa
Mga makakaisip na parang ang daya ng mundo
'Pag nasa kalagayang 'di mo gusto, oh
'Wag ka mainis at magtampo, oh
Kung kesyo gan'yan, kesyo gan'to
Kung ulo mo marami ng laman, dagdagan (pa)
'Wag matakot punuin 'yan ng kaalaman (ah)
Tandaan, 'di palaging mayro'ng masasandalan (whoa)
Mas lamang ka kapag lamang ka sa karanasan
Kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamagaling (oy, hindi)
Ang masasabi ko lang, sarili mo, hindi mo kaya mahalin (ba't hindi?)
Araw-araw dapat natututo ka pa rin
Lalo 'pag marami ka pang gustong tuparin, bawal tamarin, bago marating
Marami pa'ng puwede mangyari
Marami kang puwede aralin (napakarami, napakarami, napakarami)
'Wag ka matakot tumuklas at mawala ('wag ka matakot)
'Wag ka matakot bumalik sa simula ('wag ka matakot)
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga (whoa)
Kailangan mo magsakripisyo para sa-
Marami pa'ng puwede mangyari
Marami kang puwede aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa'yong kaligtasan
Written by: Archie Dela Cruz, Genesis Lago
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...