Musikvideo

Musikvideo

Credits

PERFORMING ARTISTS
Apekz
Apekz
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mark Anthony Parizal Cadiente
Mark Anthony Parizal Cadiente
Songwriter
Axcel Ybañez Nantes
Axcel Ybañez Nantes
Songwriter

Songtexte

[Intro]
'Wag kang lalabas 'di ka pwede magisa
Sa panahon ngayon, naku, mahirap na
Ang mga mata ang tanging saksi
Nasanay na naging bulag, pipi at bingi
[Chorus]
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas?
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
[Verse 1]
Tinuguriang perlas ng silanganan
Pero talamak ang sistemang kaliwaan
Bakit hinahayaan manakaw pera ng bayan?
'Di man ibenta yung hiyas, deretso rekta sanglaan
'Pag eleksyon, pera ay nagsisilabasan
Imbis na binabayaran yung utang ninanakawan
Dating magkakampi ngayon biglang meron hidwaan
'Pag ego nasagasaan problema ng taumbayan
Ano ba yan, ha
[Verse 2]
Dahil sa kahirapan ay napariwara
Yung ekonomiya, spaghetti pababa
Binabalita yung hindi mahalaga
'Kala mo kung sino na yung mga singkit mga mata
Mga dorobo, harap harapan na panloloko
Patulog tulog pero ubod ng dami mga auto
Imbis na pagaralan, gusto sinusubo
Konting kembot lang panalo, kelan ba matututo?
[Chorus]
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas?
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon pa rin?
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon pa rin?
[Verse 3]
Oh, Pilipinas kong mahal, humihingi pa ba?
Kurap na nga ta's gagawin ka pang alipin na tanga
Mapagtatanto mo na nililinlang ka na
Sa oras na makatapak ka sa ibang bansa
Pwede pala yan, pwede pala to?
Ang ganda ng plataporma n'yo pwedeng ibato
Sinakop ng mga hapon napalayas natin
Binomba na sila pa rin 'yung mas mayaman sa'tin
At ang layo ng agwat 'di man lang nakadikit
Sinisingil sa buwis kung sino, sino nagsisilid
Alila ng instek dapat sa rehas yung iba
'Daming ebas, tangina, pare parehas lang sila
Ang tunay na problema ba ay magnanakaw, dinastiya
O baka ikaw puro reklamo walang disiplina
Inang bayan naging mama, 'sang nasan ang hustisiya?
Buhok puti na 'pag nagbago o parte na ng Tsina
[Chorus]
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas?
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
Makinig ka
[Verse 4]
Handa na ba lahat sa pagsalakay?
Sapat na ba lahat ng pagsasanay?
Kung may cleansing lahat ba magkaaway
O tatanggalin lahat ng mga anay
Na naka neck tie gustong magka empire
Sa katiwalian nagsitaasan yung hairline
Mga red flag 'pag bed time naka red wine
Habang yung iba sopas nalang kulang pa ng pechay
Yung pinangtakbo kinukurakot ng ten times
'Di malaman yung pagaari parang tranvestite
Graduate na may honor ta's tindero ng french fries
Ofw sa kahon na lengthwise
'Tong hawak kong tech nine ang progresibong solusyon
Makinaryang rebulosyon para sa ebolusyon
At do'n itayo ang lipunan ng dahan, dahan
Gan'tong klaseng kalayaan ba ang gustong maranasan
[Chorus]
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas?
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
Ang kalayaan hinahanap, pa'no makakalabas
Hirap na nga ng buhay ang hirap pa sa 'Pinas
Kahit anong gawin, bakit ganon parin?
Makinig ka
Written by: Axcel Ybañez Nantes, Mark Anthony Parizal Cadiente
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...