Lyrics

Kung tayo'y magkakalayo Ang tanging iisipin ko'y Walang masayang na sandali Habang kita'y kasama Kung tayo'y magkakalayo Maging tapat ka pa kaya? Ibigin mo pa kaya ako Kahit ako'y malayo na? Aking nadaramang Pagsasama nati'y 'di magtatagal Kay laki ng hadlang Sa ating pag-ibig Kung tayo'y magkakalayo Mapapatawad mo ba ako? Sa paghihirap na dulot ko Sa buhay mo Aking nadaramang Pagsasama nati'y 'di magtatagal Kay laki ng hadlang Sa ating pag-ibig Kung tayo'y magkakalayo At kahit mayro'n ka nang iba Ikaw pa rin ang buhay ko Kahit ika'y malayo na Ikaw pa rin ang buhay ko Kahit ika'y malayo na, ooh
Writer(s): Valera Rey Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out