album cover
Back To Basic
album cover
Back To Basic was released on 11 October 2021 by 2573095 Records DK as a part of the album Back To Basic - Single
11 October 2021
Label2573095 Records DK
BPM86
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Yow! Tagal kong napahinga ah.
Kaya ko pa kaya 'to?
Tara subukan natin, game!
Kumusta kalawakan tagal nating 'di nagkita
Ako heto ayos na akin lang ibinalita
Daming bagyong dumaan sa akin at pinatila
Ngayon pakinggan nyo naman ang baon kong dinamita
Ako'y medyo naninibago ang tagal napahinga
Tinamad na buklatin ang susunod na pahina
Nalunod sa mga maling dumaan at nangyari na
Tirik ang katawan at utak, nagmistulang makina
Ops wait lang, pwede ba munang bagalan
Salamat bumalik na normal ko na kamalayan
May ilang buwan ding nakipagbuno kay kamatayan
Dahil dun sa depresyong sa buhay ko ay nanghahalay
Nakakangalay, yung magdamag ka naka-titig
Sa kisame habang kung ano-anong nai-isip
"Tumayo ka dyan, at kunin mo na yung lubid
Damputin mo yung kutsilyong sa balat mo ay pupunit"
Tila bingi sa kulog sa sobrang dami ng bulong
'Di na malaman ang sagot sa patong patong na tanong
Kahit gaano ka-astig ay lumambot parang mamon
Hirap nang makisalamuha mas piniling magkulong
Buti na lang may tibay pa 'to
Kahit pabigay na ay kinaya ko
Gaano man kabigat ay dinala ko
Unti-unting binubuo sariling nagpira-piraso
Kaya heto't nagbabalik back to basic aking tema
Ayaw ko nang bumalik sa madilim na parang kweba
Salamat at nakayanan ko pa ang mga problema
Tuloy ang ikot ng mundo na animo ay roleta
Teka ano ba yan? Ang drama naman
Dun tayo sa paangasan tama nay an
Alam mo naman bagong kalakaran
Walang respetohan puro payabangan
Anong tingin nyo sa 'kin sasabay ako do'n?
Sila-sila na lang ang mag-rap ng ganon
Hindi ko forteng mamuna o manlait ng iba
Baguhan man o nauna respeto sa kanila
Basta asahan n'yong ako'y patuloy lang ng maghahain
Ng mga mensaheng tanging hangad lang ay palayain
Ang mga ideya at konsepto kong mababahagi
'Di hangad ang makilala bonus na lang kung mangyari
Ang taglay ko na talento 'di man nabubukod
May sumusuporta pa din kaya ako'y nalulugod
Nangyari no'ng nakaraan ito ang pagbubuod
Patikim pa lang ulit ito, abangan ang susunod!
Written by: John Lester Gapasangra Lucernas

Loading...