Music Video
Top Songs By MYK
Credits
PERFORMING ARTISTS
MYK
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Michael Conchada
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
MYK
Producer
Rap Sanchez
Producer
Lyrics
Abot langit ang ngiti
'Pag nasulyapan kahit sandali
Nakukuntento
Araw ay nakukumpleto
Ngunit 'di masabi-sabi aking gusto
Kay tagal ko ng hinihintay
Na sa akin ay mapalagay
Dinadalangin
Na ika'y maging akin
Urong-sulong
Isip ko ay gulong-gulo
Bakit ba lumalayo sa akin?
'Di mapaliwanag ang damdamin
Bakit 'di maamin pa ang aking pagtingin?
Hanggang kailan kaya?
Hanggang kailan kaya?
Puso'y nahihirapan
'Pag naisip na
Ikaw ay nasa piling na ng iba
Kailangan nang lakasan ang aking loob
Upang mapahiwatig ang sinisigaw ng puso
Kay tagal ko ng hinihintay
Na sa akin ay mapalagay
Kulang sa tyempo
Nauutal, hindi makakibo
Urong-sulong
Isip ko ay gulong-gulo
Bakit ba lumalayo sa akin?
'Di mapaliwanag ang damdamin
Bakit 'di maamin pa ang aking pagtingin?
Sadya bang mahirap itago?
Pag-ibig na para lamang sa iyo
Mananatili na lamang bang lihim?
Pag-ibig na para satin
Bakit ba lumalayo sa akin?
'Di mapaliwanag ang damdamin
Bakit di maamin pa ang aking pagtingin?
Bakit ba lumalayo sa akin?
'Di mapaliwanag ang damdamin
Bakit di maamin pa ang aking pagtingin?
Hanggang kailan kaya?
Hanggang kailan kaya?
Writer(s): John Michael Conchada
Lyrics powered by www.musixmatch.com